Suzhou

Suzhou

苏州市

Soochow, Sou-tseu
Lungsod ng Suzhou
Lungsod ng Suzhou
Map
Kinaroroonan sa Jiangsu
Kinaroroonan sa Jiangsu
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 526: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/Eastern China" does not exist.
Mga koordinado: 31°18′N 120°36′E / 31.300°N 120.600°E / 31.300; 120.600
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
ProvinceJiangsu
Mga paghahating antas-kondado11
Itinatag514 BK
Pamahalaan
 • UriAntas-prepektura na lungsod
 • Kalihim ng PartidoLan Shaomin
 • AlkaldeLi Yaping
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod8,488.42 km2 (3,277.40 milya kuwadrado)
 • Lupa6,093.92 km2 (2,352.88 milya kuwadrado)
 • Tubig2,394.50 km2 (924.52 milya kuwadrado)
 • Urban
2,743 km2 (1,059 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018)[2]
 • Antas-prepektura na lungsod10,721,700
 • Kapal1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado)
DemonymSuzhounese
Sona ng orasUTC+8 (Oras sa Beijing)
Kodigong postal
215000
Kodigo ng lugar512
Kodigo ng ISO 3166CN-JS-05
GDP (2018)
  • Kabuoan

CNY 1.86 trilyon
USD $280.92 bilyon
PPP $528.42 billion

  • Per capita

CNY 174,129
USD $26,303
PPP $49,477

  • Growth: Increase 7%
HDI (2015)0.894 – very high[3]
BulaklakOsmanthus
PunoCamphor laurel
Wikaing panrehiyonWu: wikaing Suzhou
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan苏E at 苏U[4]
Websaytsuzhou.gov.cn

Ang Suzhou (Tsino: 苏州; IPA[səu tsøʏ], pagbigkas sa Pamantayang Mandarin: [su1.t͡ʂɤ́ʊ̯]), alternatibong romanisado bilang Soochow, ay isang pangunahing lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu ng Silangang China, sa layong humigit-kumulang 100 kilometro (62 milya) hilagang-kanluran ng Shanghai. Isa itong pangunahing sentrong ekonomiko at katumbukán ng kalakalan at komersiyo, at ito rin ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa lalawigan, kasunod ng kabisera nitong Nanjing. Ang lungsod ay matatagpuan sa ibabang abot ng Ilog Yangtze at sa pampang ng Lawa ng Tai, at nasa rehiyon ng Delta ng Ilog Yangtze. Administratibong isang antas-prepektura na lungsod ang Suzhou na may populasyong 4.33 milyong katao sa city proper nito, at kabuoang residenteng populasyon na 10.58 milyon sa pook administratibo nito (magmula noong 2013).[5][6] Lumaki nang 6.5% ang populasyong urbano nito mula 2000 hanggang 2014, isa sa pinakamataas sa mga lungsod na may populasyong higit sa 5 milyong katao.[7][8]

Ang Suzhou, na itinatag noong 514 BK (Bago ang kapanganakan ni Kristo), ay may higit sa 2,500 taon ng kasaysayan, kalakip ang napakaraming mga relikiya at sityong may kaugnayan sa kasaysayan. Noong mga 100 PK (Pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo), sa kasagsagan ng dinastiya ng Silangang Han, ito ay naging isa sa sampung pinakamalaking mga lungsod sa mundo dahil sa emigrasyón mula Hilagang Tsina.[9][10] Isa na itong mahalagang sentro ng komersiyo sa Tsina, simula noong dinastiyang Song ng ika-10 dantaon. Noong mga dinastiya ng Ming at Qing, isang pambansang sentrong ekonomiko, pangkalinangan, at pangkomersiyo ang Suzhou,[11] gayon din pinakamalaking lungsod na hindi kabisera sa buong mundo, hanggang sa naganap ang Himagsikang Taiping noong 1860.[12] Nang muling nakuha nina Li Hongzhang at Charles George Gordon ang lungsod pagkaraan ng tatlong taon, nakamit na ng Shanghai ang nangingibabaw na puwesto sa bansa.[13] Mula nang ilunsad ang mga pagbabago sa ekonomiya noong 1978, ang Suzhou ay naging isa sa pinakamabilis na lumalagong mga pangunahing lungsod sa mundo, na may humigit-kumulang 14% sa reyt ng paglaki ng GDP nito sa loob ng 35 mga taon.[5][14] Kalakip ng mataas na inaasahang haba ng buhay (life expectancy) at kita ng bawat tao (per capita income), ang mga panukat ng Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Suzhou ay halos maihahambing sa isang bahagyang maunlad na bansa, kaya ito ay isa sa pinakamaunlad at pinakamasaganang lungsod sa Tsina.[3]

Ang mga kanal, batong tulay, pagoda, at hardin na masusì ang pagkadisenyo ay nakapag-ambag sa katayuan nito bilang isa sa pangunahing mga atraksiyón sa mga turista sa Tsina. Idinagdag ang Klasikal na mga Hardin ng Suzhou sa talaan ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1997 at 2000. Malimit na pinalayawang "Venezia ng Silangan" o "Venezia ng China" ang Suzhou.[15][16][17]

  1. "Table showing land area and population". Suzhou People's Government. 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2007. Nakuha noong 7 Setyembre 2007.
  2. "2018年苏州市国民经济和社会发展统计公报" [Statistical Communiqué of Suzhou on the 2018 National Economic and Social Development]. Suzhou Daily (sa wikang Tsino). Suzhou Municipal Government. 21 January 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 October 2019.
  3. 3.0 3.1 Calculated using data from Suzhou Statistics Bureau. Life Expectancy Index = 0.9672, Education Index = 0.8244, Income Index = 0.896. Refs:
  4. 苏U号牌来了!苏州将成江苏首个启用双号牌的城市. 交汇点. 24 Oktubre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
  5. 5.0 5.1 Suzhou Bureau of Statistics. 2014年苏州市情市力 (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Abril 2014. Nakuha noong 19 Abril 2014.
  6. Kasama ang kalapit na mga rehiyong naik nito at mga karatig lungsod ng Kunshan, Zhangjiagang, Taicang, at Changshu. Ang pahayag na ito ay batay sa datos mula sa lokal na pamahalaan, habang iginigiit ng isang ulat mula sa Mga Nagkakaisang Bansa (tingnan sa baba) na ang (urbanong) populasyon nito ay 5.156 milyon noong 2014.
  7. United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population Division. "World Urbanization Prospects: The 2014 Revision" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2014. Nakuha noong 1 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. Elizabeth MacBride (22 Disyembre 2014). "Keep an eye on these emerging market cities". CNBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2015. Nakuha noong 1 Enero 2015.
  9. Tertius Chandler (1987). Four Thousand Years of Urban Growth: An Historical Census. St. David's University Press. ISBN 978-0889462076.
  10. "Top 10 Cities of the Year 100". About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2013. Nakuha noong 20 Oktubre 2013.
  11. "The Grand Canal". UNESCO World Heritage Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2014. Nakuha noong 1 Enero 2014.
  12. Marme, Michael (2005). Suzhou: Where the Goods of All the Provinces Converge. Stanford: Stanford University Press. ISBN 9780804731126.
  13. Xu (2000), pp. 16, 72–73, 159.
  14. 寻梦苏州 探寻一座城市的现代化之路. 人民网. 26 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Agosto 2013.
  15. Visit some of China's best gardens next week without a passport » Arts/Entertainment » Andover Townsman, Andover, MA. Andovertownsman.com. Retrieved on 2011-08-28.
  16. Thorpe, Annabelle. "Suzhou: Real China outside Shanghai". The Times. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2011. Nakuha noong 24 Mayo 2010.
  17. Fussell, Betty (13 Marso 1988). "Exploring Twin Cities By Canal Boat". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2010.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne