Take Me Home

Take Me Home
Isang makulay na larawang nagtatampok sa limang kabataang nagkukulitan sa paligid ng isang pulang kabina ng telepono
Studio album - One Direction
Inilabas09 Nobyembre 2012
Isinaplaka2012
UriPop
Haba42:18
TatakColumbia, Syco
TagagawaJulian Bunetta, Cirkut, Dr. Luke, Carl Falk, Albin Nedler, Kristoffer Fogelmark, Jake Gosling, Steve Robson, Shellback, Rami Yacoub
One Direction kronolohiya
Up All Night
(2011)
Take Me Home
(2012)
Midnight Memories
(2013)
Sensilyo mula sa Take Me Home
  1. "Live While We’re Young"
    Inilabas: 28 Setyembre 2012
  2. "Little Things"
    Inilabas: 12 Nobyembre 2012
  3. "Kiss You"
    Inilabas: 08 Pebrero 2013

Ang Take Me Home ay ang ikalawang studio album ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction, na inilabas noong ika-9 ng Nobyembre 2012 ng Sony Music Entertainment. Kasunod ng pandaigdigang tagumpay ng paunang album ng One Direction na Up All Night (2011), ang Take Me Home ay isinulat nang grupo-grupo at tinatayang may limang manunulat sa likod ng bawat kanta. Ang malaking bahagi ng album ay nirekord at nilikha sa Sweden noong 2012; sina Savan Kotecha, Rami Yacoub at Carl Falk, na lumikha ng mga sikat na awitin ng One Direction na What Makes You Beautiful at One Thing ay nanatili ng anim na buwan sa Stockholm upang bumuo ng mga awitin para sa album, at naghulma ng mga melodiyang akma sa tinig ng mga miyembro ng banda.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne