Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ito ay isang talaan ng mga mabilisang daanan sa Pilipinas.[1]
Ang mga mabilisang daanan sa Pilipinas ay binubuo ng sampung (10) mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa Hilaga at Katimugang Luzon. Sa ngayon hindi mag-kakaugnay ang lahat ng mga mabilisang daanan, ngunit may pangkinabukasang panukala na mag-uugnay ng lahat ng mga ito upang makabuo ng isang ugnayan (network).
Mula 2014, inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang panibagong sistema ng pagtatakda ng mga nakabilang na ruta para sa mga mabilisang daanan sa bansa, kahalintulad ng sistemang lansangambayan ng bansa na inilunsad din ng DPWH sa parehong taon.
Sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, isasakatuparan ang isang ugnayan na tinatawag na "Luzon Spine Expressway Network".