Ang talasalitaan (Ingles: vocabulary), na tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman. Pagkatuto ng isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan, ang talasalitaan ay binibigyang kahulugan bilang ang "lahat ng mga salitang nalalaman at ginagamit ng isang partikular na tao".[1] Sa kasawiang palad, ang kahulugang ito ay hindi sumasaklaw sa mga paksang kasangkot sa pag-alam ng isang salita.