Talisay | |
---|---|
![]() | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Myrtales |
Pamilya: | Combretaceae |
Sari: | Terminalia |
Espesye: | T. catappa
|
Pangalang binomial | |
Terminalia catappa |
Ang talisay[1] o almendro (pangalang pang-agham: Terminalia catappa; Ingles: shade tree) ay isang malaking puno na nasa pamilyang Combretaceae. Pinagtatalunan ang pinagmulan ng punong ito, na maaaring mula sa India, tangway ng Malay, o New Guinea. Kabilang din sa mga katawagan nito sa wikang Ingles ang Indian almond, Bengal almond, Singapore almond, Malabar almond, tropical almond, sea almond, at umbrella tree. Tumutubo rin ito sa Pilipinas.[1] Isa itong uri ng punong nagbibigay ng lilim sapagkat may mga malalapad at malalaking mga dahon.[2]