Para sa pagkaing pangmeryenda at pulutan, tingnan ang Tapas. Tingnan din ang tapa (paglilinaw).
Tapa, sinangag, na may kasamang ried rice,parsley,pork,itlog,kamatis,pepino
Ang tapa[1] o pindang[2] ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong[1]laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Karaniwan ay pinapang-almusal o pang-agahan ito kasama ng sinangag na kanin. Madalas din itong kainin kasama ng itlog, na maaaring pinrito, pinaalat, o kung-ano pa, kamatis, o ng suka. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas, mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa.[2] Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka.[3]
↑ 1.01.1 Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, may 194 na mga pahina, ISBN 9710800620
↑Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.