Ang tatak-pangkalakal (o tatak-kalakal) ay isang uri ng intelektwal na ari-arian na binubuo ng isang nakikilalang tanda, disenyo, o ekpresyon na tumutukoy sa mga produkto o serbisyo mula sa isang partikular na pinagmulan at nakikilala ang mga ito mula sa iba.[1][2][3] Ang may-ari ng tatak-pangkalakal ay maaaring isang indibidwal, organisasyon ng negosyo, o anumang legal na entidad. Ang isang tatak-pangkalakal ay maaaring matatagpuan sa isang pakete, isang tatak, isang resibo o voucher, o sa mismong produkto. Minsan tinatawag ang mga tatak-pangkalakal na ginagamit upang tukuyin ang mga serbisyo bilang marka ng serbisyo.[4][5]
Ang unang pagsasabatas ng mga tatak-pangkalakal ay ipinasa noong 1266 sa ilalim ng paghahari ni Henry III ng Inglatera, na ginawang kailangan gumamit ng isang natatanging marka ang lahat ng mga panadero para sa tinapay na kanilang ibinebenta. Ang mga unang modernong batas sa tatak-pangkalakal ay lumitaw noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Sa Pransiya, ang unang komprehensibong sistema ng tatak-pangkalakal sa mundo ay naipasa bilang batas noong 1857. Binago ng Trade Marks Act (Batas Tatak-pangkalakal) 1938 ng Reyno Unido ang sistema, na nagpapahintulot sa pagpaparehistro batay sa "intent-to-use" o nilayong paggamit, na lumilikha ng prosesong batay sa pagsusuri, at paglikha ng isang aplikasyong sistema sa paglalathala. Ang Batas 1938, na nagsilbing modelo para sa katulad na batas sa ibang lugar, ay naglalaman ng iba pang mga naiibang konsepto tulad ng "mga nauugnay na tatak-pangkalakal", isang pahintulot na gamitin ang sistema, isang sistema ng pagtatanggol sa marka, at isang hindi pag-angkin ng tamang sistema.
Ang mga simbolo ™ (ang simbolo ng tatak-pangkalakal) at ® (ang rehistradong simbolo ng tatak-pangkalakal) ay maaaring gamitin upang ipahiwatig ang mga tatak-pangkalakal; ang huli ay para lamang gamitin ng may-ari ng isang tatak-pangkalakal na nakarehistro.