Taytay Bayan ng Taytay | |
---|---|
Mapa ng Rizal na nagpapakita sa bayan ng Taytay. | |
Mga koordinado: 14°34′09″N 121°07′57″E / 14.56917°N 121.1325°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Rizal |
Distrito | — 0405813000 |
Mga barangay | 5 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | George Ricardo "Joric" R. Gacula II |
• Manghalalal | 152,944 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 38.80 km2 (14.98 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 386,451 |
• Kapal | 10,000/km2 (26,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 92,234 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 9.81% (2021)[2] |
• Kita | (2022) |
• Aset | (2022) |
• Pananagutan | (2022) |
• Paggasta | (2022) |
Kodigong Pangsulat | 1920 |
PSGC | 0405813000 |
Kodigong pantawag | 2 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | taytayrizal.gov.ph |
Ang Taytay (pagbigkas: tay•táy) ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal, sa paanan ng Antipolo sa may dakong silangan ng Lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito ng Cainta sa hilaga, Lungsod ng Pasig sa kanluran, Lungsod ng Antipolo sa silangan, Angono sa timog, at Taguig sa timog-kanluran.
Kilala ang Taytay sa pagawaan ng kahoy at mga kasangkapan na pambahay (furnitures) at tahian ng mga damit pangkasuotan at binansagang "Kapital ng Kasuotan sa Pilipinas".
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 386,451 sa may 92,234 na kabahayan.