Theotokos

Larawan ng mga Rusong icon ng Theotokos noong ika-18 siglo.

Ang Theotokos ( /ˌθiəˈtɒkəs/; Griyego: Θεοτόκος, transliterasyon: Theotókos) ay ang Griyegong titulo ni Maria, ina ni Hesus na ginagamit lalo na sa Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, at mga Silanganing Simbahang Katolika. Ang literal na salin nito ay "Panganganak sa Diyos", "Nagbigay-buhay sa Diyos" at "siyang nagsilang sa Diyos". Maluwag na literal na salin nito ang "Ina ng Diyos."

Ang sinaunang gamit ng salitang ito ay binagyang-diin sa mga Simbahang ng Tradisyong Syriac, na siglo-siglo nang ginagamit ang titulong ito sa kanilang mga sinaunang liturhiya: ang Anaphora ni Mari at Addai (ika-3 siglo),[1][2] at Liturhiya ni Santiago (60 AD).[3][4]

Higit na ginagamit ng mga Katoliko Romano at mga Anglicano ang titulong "Ina ng Diyos" kaysa "Theotokos." Itinadhana sa Konsilyo ng Efeso noong 431 na si Maria ay Theotokos dahil ang kaniyang anak na si Hesus ay parehong Diyos at tao.[5][6]

  1. Addai and Mari, Liturgy of. Cross, F. L., ed. The Oxford Dictionary of the Christian Church. Oxford University Press. 2005
  2. "Book for people in English". Kaldu.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-06. Nakuha noong 2013-11-03.
  3. John Witvliet, "The Anaphora of St. James" in ed. F. Bradshaw Essays on Early Eastern Eucharistic Prayers, 1997
  4. "CHURCH FATHERS: Divine Liturgy of St. James". Newadvent.org. Nakuha noong 2013-11-03.
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Ephesus); $2
  6. "NPNF2-14. The Seven Ecumenical Councils - Christian Classics Ethereal Library". Ccel.org. 2005-06-01. Nakuha noong 2012-10-04.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne