Mga theropoda | |
---|---|
![]() | |
Isang replika ng kalansay ng Tyrannosaurus rex | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Klado: | Eusaurischia |
Klado: | Theropoda Marsh, 1881 |
Subgroups | |
Ang Theropoda (theropod /ˈθɛrəpɒd/; pangalang suborder na Theropoda /θɪˈrɒpɵdə/ mula sa Griyegong nangangahulugang "mga paa ng hayop") ay parehong isang suborder of mga bipedal na saurichian na mga dinosauro at isang klado(clade) ng suborder na ito at ang mga inapo(descendants) nito kabilang ang mga modernong ibon. Ang mga dinosauro na kabilang sa suborder na Theropoda ay pangunahing mga karniborosa bagaman ang ilang bilang ng mga pangkat theropoda ay nag-ebolb sa pagiging herbiborosa, omniboriya at insektiboriya. Ang mga theropod ay unang lumitaw noong panahong Karniyano(Carnian) sa huling Triassic mula 251.902 milyong taon ang nakalilipas hanggang 251.902 milyong taon ang nakalilipas at kinabibilangan ng nag-iisang malaking mga karniborang pang-lupain mula sa Simulang Hurassiko hanggang sa hindi bababa sa malapit sa Cretaceous mga 145 milyong taon ang nakalilipas hanggang 145 milyong taon ang nakalilipas. Sa panahong Hurassiko, ang mga ibon ay nag-ebolb mula sa isang espesyalisadong mga theropod na coelurosaria at ngayon ay kinakatawan ng mga 9,900 mga espesyeng nabubuhay. Kasama sa mga katangiang nag-uugnay sa mga dinosaurong theropod sa mga ibon ang tatlong may daliring paa, isang purkula(furcula), mga butong napuno ng hangin, paglilimlin(brooding) ng mga itlog at sa ilang mga kaso ay mga balahibo(feathers).