(Mga) Developer | ByteDance |
---|---|
Unang labas | 7 Setyembre 2016 Beijing, Tsina Nailabas sa buong mundo pagkatapos ng pagsanib sa musical.ly noong 2 Agosto 2018 | .
Stable release | 15.5.0
/ 31 Marso 2020 |
Operating system | iOS, Android |
Size | 308.3 MB (iOS)[1]
55.21 MB (Android)[2] |
Mayroon sa | 40 languages[3] |
List of languages Arabe, Bengali, Burmes, Khmer, Sebwano, Tseko, Olandes, Ingles, Filipino, Pranses, Aleman, Griyego, Gujarati, Hindi, Unggaro, Indones, Italyano, Hapon, Javanes, Kannada, Koreano, Malay, wikang Malayalam, Marathi, Oriya, Polako, Portuges, Punjabi, Rumano, Ruso, Payak na Tsino, Kastila, Suweko, Tamil, Telugu, Thai, Tradisyunal na Tsino, Turko, Ukranyo, at Vietnames | |
Tipo | Pamamahagi ng bidyo |
Lisensiya | Software na propyetaryo kasama ang Takdang Gamit |
Ranggo sa Alexa | 320 (Pandaigdigan, Abril 2020[update])[4] |
Website | tiktok.com |
Douyin (TikTok) | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 抖音 | ||||||||
Kahulugang literal | "yumayanig na tunog" | ||||||||
|
Ang TikTok (Tsino: 抖音; Dǒuyīn) ay isang Tsinong social networking service na nagbabahagi ng bidyo na pagmamay-ari ng ByteDance, isang kumpanyang nakabase sa Beijing na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ginagamit ito upang makapaglikha ng maikling bidyo ng sayaw, lip-sync, komedya, at talento.[5] Nailunsad ang app noong 2017 para sa iOS at Android sa merkado sa labas ng Tsina. Unang nilabas ng ByteDance ang Douyin para sa merkado sa Tsina noong Setyembre 2016. Nagkaroon ito sa Estados Unidos pagkatapos ng pagsanib nito sa musical.ly noong 2 Agosto 2018. Magkatulad ang TikTok at Douyin sa bawat isa at magkapareho na app sa pangkalahatan, bagaman tumatakbo ang mga ito sa magkahiwalay na mga server upang umayon sa mga restriksyong sensura ng Tsina. Pinapahintulot ng aplikasyon ang mga gumagamit na lumikha ng maiikling bidyong musika at lip-sync na may 3 hanggang 15 segundo[6][7] at maiikling umuulit na bidyo na may 3 hanggang 60 segundo. Sikat ang app sa Asya, Estados Unidos, at ibang bahagi ng mundo.[8] Makukuha ang TikTok sa Tsina bilang Douyin; nakabase ang mga server nito sa mga bansa kung saan mayroon ang app.[9]
Pagkatapos umanib sa musical.ly noong Agosto, umakyat ang pag-download at ang TikTok ay naging ang pinakadina-download na app sa Estados Unidos noong Oktubre 2018, ang unang app mula sa Tsina na natamo ito.[10][11] Noong 2018, makukuha ang app sa 150 merkado at sa 75 wika. Noong Pebrero 2019, ang TikTok, kasama ang Douyin, ay natamo ang isang bilyong pag-download sa buong mundo, na hindi kabilang mga na-install sa Android sa Tsina.[12] Noong 2019, naideklera ang TikTok bilang ang ikapitong pinakadina-download na app ng dekada, mula 2010 hanggang 2019.[13] Naideklera din ito bilang ang numero unong pinakadina-download na app sa App Store noong 2018 at 2019.
{{cite web}}
: Check date values in: |accessdate=
(tulong)