Tolosa Tolosa Toulouse | |||
---|---|---|---|
commune of France, big city, college town | |||
![]() | |||
| |||
![]() | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 43°36′16″N 1°26′38″E / 43.6044°N 1.4439°E | |||
Bansa | ![]() | ||
Lokasyon | Occitania | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Toulouse | Jean-Luc Moudenc | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 118.3 km2 (45.7 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2022, Senso) | |||
• Kabuuan | 511,684 | ||
• Kapal | 4,300/km2 (11,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Websayt | https://metropole.toulouse.fr/ |
Ang Tolosa (Pranses: Toulouse, Pranses: [tuluz] ( pakinggan); Occitan: Tolosa [tuˈluzo]; Latin: Tolosa [toˈloːsa]) ay ang kabisera ng departamento ng Haute-Garonne at ng rehiyon ng Occitanie sa bansang Pransiya. Ang komuna ay nasa mga pampang ng Garona, 150 kilometro (93 milya) mula sa Dagat Mediteraneo, 230 kilometro (143 milya) mula sa Karagatang Atlantiko, at 680 kilometro (420 milya) mula sa Paris. Pang-apat na pinakamalaking lungsod ito sa Pransiya, na may 479,553 katao sa loob ng teritoryong munisipal nito magmula noong Enero 2017, at 1,360,829 katao sa loob ng mas-malawak na kalakhang pook nito (magmula rin noong Enero 2017), kasunod ng Paris, Lyon at Marsella, at bago ang Lille at Burdeos.
Ang Toulouse ay sentro ng industriyang aeroespasyal ng Europa, kalakip ng punong tanggapan ng Airbus (dating EADS), ng sistemang satelayt ng SPOT, ATR at ng Aerospace Valley. Naririto rin ang mga punong tanggapang Europeo ng Intel at ng Sentrong Pangkalawakan ng Toulouse ng CNES o CST, ang pinakamalaking sentrong pangkalawakan sa Europa.[1] May mahalagang presensiya rin sa Tolosa ang Thales Alenia Space, ATR, SAFRAN, Liebherr-Aerospace at Airbus Defence and Space.
Isa sa pinakamatandang mga pamantasan sa Europa ang Unibersidad ng Toulouse, na itinatag noong 1229, at pang-apat na pinakamalaking pamantasan sa Pransiya na may higit sa 103,000 mga mag-aaral, kasunod ng mga unibersidad ng Paris, Lyon at Lille.[2]
Pinaka-abala ang rutang himpapawid sa pagitan ng Toulouse–Blagnac at Paris Orly, na inilululan ang 2.4 milyong mga pasahero noong 2014.[3] Ayon sa mga ranggo ng L'Express at Challenges, ang Tolosa ay pinakamasiglang lungsod ng Pransiya.[4][5][6]
Ang lungsod, na itinatag ng mga Romano, ay kabisera ng Kahariang Bisigotiko noong ika-5 dantaon at kabisera ng lalawigan ng Languedoc noong kahulihan ng Gitnang Kapanahunan at maagang makabagong kapanahunan (binuwag ang mga lalawigan noong Rebolusyong Pranses), kaya ito ay naging di-opisyal na kabisera ng rehiyong pangkalinangan ng Occitania (Katimugang Pransiya). Kabisera na ito ngayon ng rehiyon ng Occitanie, ang pangalawang pinakamalaking rehiyon sa Kalakhang Pransiya.
Mayroong dalawang mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ang Tolosa: ang Canal du Midi (itinalaga noong 1996 at nagbahagi ng pagtatalaga sa ibang mga lungsod), at ang Basilika ni San Saturnino (Pranses: Basilique Saint-Sernin de Toulouse, Occitan: Basilica de Sant Sarnin de Tolosa), ang pinakamalaking gusaling Romaniko sa Europa na nakatayo pa rin[7] at itinalaga noong 1998 dahil sa kahalagahan nito sa rutang pilgrimahe ng Santiago de Compostela. Binansagan ding "Ang Rosas na Lungsod" (La Ville Rose) ang lungsod dahil sa natatanging arkitektura itong yari sa mala-rosas na mga tisang terracotta.