Tuscany Toscana | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 43°21′N 11°01′E / 43.35°N 11.02°E | |||
Bansa | Italya | ||
Kabisera | Florence | ||
Pamahalaan | |||
• Pangulo | Enrico Rossi (PD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 22,990.18 km2 (8,876.56 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2015) | |||
• Kabuuan | 3,749,430 | ||
• Kapal | 160/km2 (420/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Tuscan (Italian: toscano) | ||
Pagkamamayan | |||
• Italyano | 90% | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
GDP/ Nominal | € 106.1[2] billion (2008) | ||
GDP per capita | € 28,500[3] (2008) | ||
Rehiyon ng NUTS | ITE | ||
Websayt | regione.toscana.it |
Ang Tuscany ( /ˈtʌskəni/ TUSK-ə-nee; Italyano: Toscana [tosˈkaːna]) ay isang rehiyon sa gitnang Italya na may sukat na 23,000 kilometro kuwadrado (8,900 milya kuwadrado) at isang populasyon na may mga 3.8 milyong katao. Florence (Firenze) ang pang-rehiyong kabisera nito.
Kilala ang Tuscany sa mga tanawin, kasaysayan, pamanang artistiko, at impluwensiya nito sa mataas na kalinangan. Tinuturing ito bilang lugar kung saan sumibol ang Renasimyentong Italyano[4] at naging tahanan ng maraming maimpluwensiyang tao sa kasaysayan ng sining at agham, at naglalaman ng mga tanyag na museo tulad ng Uffizi at ang Palazzo Pitti. Kilala din ang Tuscany sa mga alak nito, kabilang ang Chianti, Vino Nobile di Montepulciano, Morellino di Scansano, Brunello di Montalcino at ang puting Vernaccia di San Gimignano. Mayroong isang malakas na pagkakakilanlan sa lingguwistika at kalinangan, tinuturing ito minsan bilang "isang bansa sa loob ng isang bansa."[5]