Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.[1] Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya sina Aeschylus (o Esquilo), Sophocles (o Sofocles), at Euripides.[2]
↑Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Wrote the First Tragedies?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN0671604767., pahina 92.