![]() | |
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Nakaukit |
Mga nagdisenyo | Carol Twombly[1] |
Foundry | Adobe Type |
Ang Trajan ay isang serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Carol Twombly noong 1989 para sa Adobe.[2][1]
Ang disenyo ay batay sa pormang-titik ng capitalis monumentalis o mga kapital ng kuwadradong Romano, na ginamit bilang inskripsyon sa pundasyon ng Haligi ni Trajan na dito hinango ang pangalan ng pamilya ng tipo ng titik. Puro-kapital na pamilya ng tipo ng titik ang Trajan, sapagkat hindi gumagamit ang mga Romano ng maliit na titik. Nilikha ni Twombly ang disenyo sa pagkukuha ng inspirasyon mula sa buong litrato ng isang gasgas ng inskripsyon.[3] Kilala din ito na lumalabas sa mga paskil para sa mga pelikula.[4]