Binubuo ang trapiko ng mga taong naglalakad (o pedestre), sasakyan, sinasakyan o pinapastol na hayop, tren, at iba pang mga behikulo na gumagamit ng mga publikong daanan (mga lansangan) para sa paglalakbay at transportasyon.
Napapamahalaan at inaayos ang trapiko ng mga batas trapiko, habang kabilang sa mga patakaran sa lansangan ang mga batas trapiko at patakarang impormal na maaaring nalikha sa paglipas ng panahon upang mapagaan ang maayos at napapanahong daloy ng trapiko.[1] Sa pangkalahatan, mayroon ang organisadong trapiko ng matatag na priyoridad, landas (o lane), karapatan sa daanan (o right-of-way), at kontrol sa trapiko sa mga interseksyon.