Tren

Tren.

Ang tren (mula sa kastila tren) ay isang sunud-sunod o serye ng mga sasakyan o bagon na dumaraan sa ibabaw ng isang riles (permanenteng daanan). Maaaring gamitin ito para sa pagdadala ng mga tao, mga bagay o mga kalakal. Tinatawag na estasyon ng tren ang lugar na pinaghihintuan ng tren upang makasakay o makababa ang mga tao. Hinahatak ng lokomotibo ang mga bagon ng tren habang nasa kahabaan ng riles.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne