Triasiko | |||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
251.902 ± 0.024 – 201.36 ± 0.17 milyong taon ang nakakalipas | |||||||||||||||||||||||
Kronolohiya | |||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||
Etimolohiya | |||||||||||||||||||||||
Pormal | Formal | ||||||||||||||||||||||
Impormasyon sa paggamit | |||||||||||||||||||||||
Celestial body | Daigdig | ||||||||||||||||||||||
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) | ||||||||||||||||||||||
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale | ||||||||||||||||||||||
Kahulugan | |||||||||||||||||||||||
Yunit kronolohikal | Period | ||||||||||||||||||||||
Yunit stratigrapiko | System | ||||||||||||||||||||||
Pormal na time span | Formal | ||||||||||||||||||||||
Kahulugan ng mababang hangganan | First appearance of the conodont Hindeodus parvus | ||||||||||||||||||||||
Lower boundary GSSP | Meishan, Zhejiang, China 31°04′47″N 119°42′21″E / 31.0798°N 119.7058°E | ||||||||||||||||||||||
GSSP ratified | 2001[6] | ||||||||||||||||||||||
Upper boundary definition | First appearance of the ammonite Psiloceras spelae tirolicum | ||||||||||||||||||||||
Upper boundary GSSP | Kuhjoch section, Karwendel mountains, Northern Calcareous Alps, Austria 47°29′02″N 11°31′50″E / 47.4839°N 11.5306°E | ||||||||||||||||||||||
GSSP ratified | 2010[7] |
Ang Triassic ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw mula 251.902 milyong taon ang nakalilipas hanggang 201.3 milyong taon ang nakalilipas. Ito ang unang panahon ng erang Mesozoiko at nasa pagitan ng mga panahong Permian at Jurassic. Ang parehong simula at huli nang panahong ito ay minarkahan ng malaking mga pangyayaring ekstinksiyon. Ang Triassic (Triassic) ay pinangalanan noong 1834 ni Friedrich Von Alberti sa tatlong mga natatanging mga patong ng bato na natagpuan sa buong Alemanya at mga kamang pula ng hilagang kanlurang Europa, na tinatakpan ng chalk na sinundan ng mga itim na shale na tinatawag na mga 'Trias'. Ang panahong ito ay nagsimula kasunod ng pangyayariang ekstinksiyon na Permian-Triasiko na nag-iwan sa biospero ng daigdig na ubos. Umabot sa gitna ng panahong ito upang mapabalik ng buhay ang dati nitong dibersidad. Ang mga therapsido at mga arkosauro ang mga pangunahing bertebratang pang-lupain sa panahong ito. Ang isang espesyalisadong subgrupo ng mga arkosauro na mga dinosauro ay unang lumitaw sa gitnang Triassic ngunit hindi nanaig hanggang sa sumunod na panahong Jurassic.[8] Ang unang totoong mga mamalya ay nag-ebolb rin sa panahong ito gayundin ang mga unang lumilipad na mga bertebrato na mga ptesauro. Ang malawak na superkontinenteng Pangaea ay umiral hanggang sa gitnang Triassic kung saan pagkatapos nito ay unti unti nahiwalay sa dalawang mga masa ng lupain na Laurasia at hilaga at Gondwana sa timog. Ang pandaigdigang klima sa panahong ito ay halos mainit at tuyo na ang mga disyerto ay sumasaklaw sa karamihan ng loob ng Pangaea. Gayunpaman, ang klima ay lumipat at naging mas mahalumigmig habang ang Pangaea ay nagsimulang mahiwalay. Ang huli nang panahong ito ay minarkahan ng isa pang na lumipol sa maraming mga pangkat at pumayag sa mga dinosauro na manaig sa panahong Hurassiko.
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)