Ang Trigonometrikong substitusyon (Trigonometric substitution) ay paraan upang mahanap ang integral ng isang punsiyon. Ang paghanap ng integral ay ginagamitan ng substitusyon ng mga trigonometrikong punsiyon para sa ibang mga ekspresyon upang pasimplehin ang mga integral na naglalaman ng mga ekspresyong radikal.