Ang tsamporado o tsamporadong Mehikano ay isang atole, isang karaniwang inumin sa Mehiko, na gawa sa isang base ng tapay o masa ng mais na dinurog, tsokolateng itim at tubig na may kaunting baynilya, na pagkatapos hinalo upang maging malapot. Karaniwang pinapares ito sa tamales, isang karaniwang pagkain sa Mehiko.
Ito rin ang pinagmulan ng tsamporadong kinasanayan ng mga Pilipino, kung saan pinalitan ng nilugawang bigas ang tapay ng mais sa orihinal.