Tulay ng Quezon | |
---|---|
Tanawin ng Tulay ng Quezon mula sa himpapawid. | |
Opisyal na pangalan | Manuel L. Quezon Memorial Bridge[1] |
Nagdadala ng | Mga sasakyan at tao |
Tumatawid sa | Ilog Pasig |
Pook | Maynila |
Disenyo | arko / kongkretong tinigatig na girder na tulay |
Kabuuang haba | 447 m (1,467 tal)[2] |
Lapad | 22.50 m (74 tal)[2] |
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo | 1939 |
Pinangunahan ng | Tulay ng MacArthur |
Sinundan ng | Tulay ng Ayala |
Mga koordinado | 14°35′43.8″N 120°58′55.5″E / 14.595500°N 120.982083°E |
Ang Tulay ng Quezon (Ingles: Quezon Bridge) ay isang pinagsamang arko at kongkretong tinigatig na girder na tulay na nag-uugnay ng mga distrito ng Quiapo at Ermita sa ibabaw ng Ilog Pasig sa Maynila, Pilipinas.
Ang tulay, na itinayo noong 1939 sa pamamahala ng kompanyang inhenyeriya Pedro Siochi and Company, ay pumalit sa dating Puente Colgante. Idinisenyo ang Tulay ng Quezon bilang isang arkong tulay na may estilong Art Deco at napukaw mula sa disenyo ng Tulay ng Daungan ng Sydney.[3][2] Ipinangalan ito mula kay Manuel L. Quezon, pangulo ng Pilipinas noong itinatayo ang tulay.