Ang tuldik ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.
Ang pangunahing gamit nito sa Latinong pagsulat ay upang mapalitan ang pagbigkas o maláman ang pagkakaiba nito pagitan ng magkakatulad ng mga salita. Halimbawa mula sa wikang Filipino ay ang tuldik na pahilis-kaliwa na makikita sa buháy at gabí, na nagpapakita ng pagbilis ng bigkas.
Sa iba pang mga sistemang alpabetiko, ang mga tuldik ay maaaring magamit sa mga iba pang bagay. Ang mga sistema ng vowel pointing, tulad ng sa Arabeng harakat ( ـَ, ـُ, ـُ, atbp.) at ng Ebreong niqqud ( ַ, ֶ, ִ, ֹ , ֻ, etc.), ay nagpapahiwatig ng mga tunog (mga patinig o tono) na hindi magagawa sa payak na alpabeto. Ang Indic na virama ( ् atbp.) at ang Arabeng sukūn ( ـْـ ) naman ay naghuhudyat sa kawalan ng patinig. Ang mga cantillation mark naman ay nagpapahiwatig ng prosody. Ang mga iba pang gámit ay ang Sinaunang Sirilikong titlo ( ◌҃ ) at ang Ebreong gershayim ( ״ ), na, respektibli, ay naghuhudyat ng mga daglat o mga akronim, at mga Griyegong tuldik, na mga titik ng alpabeto ay ginamit bílang mga numero. Sa Hanyu Pinying opisyal na romanisasyon ng sistema ng mga Tsino, ang mga tuldik ay ginamit upang maghudyat sa mga tono ng mga pantig kung saan ang mga nakamarkang patinig ay nandoon.
Sa ortograpiya at paghahambing, ang isang titik na binago ng tuldik ay maaaring ituring bílang isang bagong titik o isang kombinasyon ng titik at tuldik. Iba-iba ang turing dito depende sa wika.
Hindi tulad sa mga ibang wika, sa Filipino at Tagalog hindi hiwalay na titik ang mga tuldik at hindi ito kasáma sa alpabeto at mga patinig lámang ang tinutuldikan.