Tunis تونس | |
---|---|
Mula itaas, kaliwa tungong kanan: Abenida Habib Bourguiba, Abenida 14-Janvier 2011, ang bantayog ni Ibn Khaldoun, Tanaw ng Tunis mula bundok Sidi Belhassen, Tanaw ng Sidi Bou Said, Tanaw ng Tunis sa gabi. | |
Mga koordinado: 36°48′23″N 10°10′54″E / 36.80639°N 10.18167°E | |
Bansa | ![]() |
Gobernasyon | Gobernasyon ng Tunis |
Mga Delegasyon | El Bab Bhar, Bab Souika, Cité El Khadra, Djebel Jelloud, El Kabaria, El Menzah, El Omrane, El Omrane Superieur, El Ouardia, Ettahrir, Ezzouhour, Hraïria, Medina, Séjoumi, Sidi El Bechir |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Souad Abderrahim (Ennahda) |
Lawak | |
• Kabiserang lungsod | 212.63 km2 (82.10 milya kuwadrado) |
• Metro | 2,668 km2 (1,030 milya kuwadrado) |
Pinakamataas na pook | 41 m (135 tal) |
Pinakamababang pook | 4 m (13 tal) |
Populasyon (Abril 23, 2014)[1] | |
• Kabiserang lungsod | 638,845 |
• Kapal | 3,004/km2 (7,780/milya kuwadrado) |
• Metro | 2,869,529 |
Demonym | Arabe: تونسي Tounsi Pranses: Tunisois |
Sona ng oras | UTC+01:00 (CET) |
Kodigo ng koreo | 1xxx, 2xxx |
Kodigo ng telepono | 71 |
Kodigo ng ISO 3166 | TN-11, TN-12, TN-13 at TN-14 |
geoTLD | .tn |
Websayt | [www.commune-tunis.gov.tn Opisyal na websayt] |
Ang Tunis (Arabe: تونس Tūnis) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Tunisia. Mayroon ang kalakhang lugar ng Tunis, kadalasang tinutukoy bilang as "Grand Tunis", ng mga 2,700,000 naninirahan. Noong 2020, ito ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Maghreb (pagkatapos ng Casablanca, Algiers at Tripoli) at ang ikalabing-anim na pinakamalaki sa mundong Arabe.
Nasa may isang malaking gulpo (ang Gulpo ng Tunis) sa Dagat Mediteraneo, sa likod ng Lawa ng Tunis at daungan ng La Goulette (Ḥalq il-Wād), umaabot ang lungsod sa may baybaying patag at ang mga burol na pumapalibot dito. Nasa gitna nito ang sinaunang medina, isang Pandaigdigang Pamanang Pook. Nagsisimula sa silangang ng medina sa pamamagitan ng Tarangkahang Dagat (kilala din bilang Bab el Bhar at ang Porte de France) ang makabagong lungsod, o Ville Nouvelle, bumabagtas sa pamamagitan ng malaking Abenida Habib Bourguiba (kadalasang tinutukoy ng midya at mga gabay sa paglalakbay bilang "ang Tunesinong Champs-Élysées"), kung saan nagbibigay ang mga gusaling sa panahong kolonyal ng isang malinaw ng kaibahan sa mas maliit, lumang istraktura. Nasa patungong silangan pa sa may dagat ang arabal ng Carthage, La Marsa, at Sidi Bou Said. Bilang kabisera ng bansa, nakatuon sa Tunis ang pampolitika at administratibong buhay sa Tunisia at sentro din ng komersyal at pangkalinangang aktibidad ng bansa.