Umbria | |||
---|---|---|---|
Rehiyon ng Italya | |||
| |||
Bansa | Italya | ||
Kabisera | Perugia | ||
Pamahalaan | |||
• Pangulo | Donatella Tesei (LN) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 8,456 km2 (3,265 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2016-05-31) | |||
• Kabuuan | 889,001 | ||
• Kapal | 110/km2 (270/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Italyano: Umbro (lalaki) Italyano: Umbra (babae) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
kodigong ISO 3166 | IT-55 | ||
GDP (nominal) | €22.5 bilyon (2018)[1] | ||
GDP bawat kapita | €25,400 (2018)[2] | ||
HDI (2018) | 0.884[3] napakataas · ika-12 ng 21 | ||
Rehiyon ng NUTS | ITE | ||
Websayt | regione.umbria.it |
Ang Umbria ( /ˈʌmbriə/ UM-bree-ə, Italyano: [ˈumbrja]) ay isang rehiyon sa gitnang Italya. Kabilang dito ang Lawa ng Trasimeno at bumabagtas dito ang Ilog Tiber. Perugia ang kabisera ng rehiyon. May lawak ito na 8,456 km² at populasyong mahigit-kumulang 900,000 tao (2016). Higit na nakararami ang bilang ng mga santong mula sa Umbria kaysa sa anupang bahagi ng daigdig.[4]
Nakilala ang rehiyon sa burol, bundok, lambak, at makasaysayang bayan tulad ng sentrong unibersidad ng Perugia, Assisi, isang Pandaigdigang Pamanang Pook na naiuugnay kay San Francisco ng Assisi, Terni, Norcia, Città di Castello, Gubbio, Spoleto, Orvieto, Todi, Castiglione del Lago, Narni, Amelia, at iba pang maliliit na mga lungsod.