![]() | |
---|---|
Unibersidad ng Pilipinas | |
![]() | |
Sawikain | Dangal at Kagalingan (Honor and Excellence) |
Uri | Pamantasang Pambansa |
Pangulo | Atty. Danilo L. Concepcion |
Akademikong kawani | 4,135[1] |
Administratibong kawani | 10,044[1] |
Mag-aaral | 53,285[1] |
Lokasyon | Diliman, Lungsod Quezon (Pangunahing Kampus) , |
Kampus | 11 mga kampus, 1 bukas na unibersidad |
Awit | U.P. Naming Mahal |
Kulay | ![]() |
Palayaw | UP Fighting Maroons |
Apilasyon | Association of Pacific Rim Universities ASEAN-European University Network ASEAN University Network UAAP |
Websayt | www.up.edu.ph |
Ang Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: University of the Philippines System, dinadaglat bilang UP), minsan ring Pamantasan ng Pilipinas, ay ang pambansang sistema ng pamantasan ng Pilipinas.[2][3] Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang "University Act" mula sa autoridad ng Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa batas, medisina, inhinyeriya, agham pampolitika at ibang mga agham panlipunan hanggang sa narsing, kalusugang pampubliko, mga likas na agham, pagsasaka at mga araling pantao.
Kinikilala ang Unibersidad bilang pangunahing institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Pilipinas, at napag-aral sa ilang mga pinakakilalang mga pinunong panlipunan at pampolitika, ekonomista, siyentipiko, manananggol, doktor medikal, inhinyero, malikhaing artista, guro at mangangalakal.[4][5][6] Pitong mga pangulo ng Pilipinas ay nag-aral sa Unibersidad bilang mga mag-aaral na 'di pa nagtapos o nagtapos na ng kolehiyo, habang 12 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 36 sa 57 Pambansang Alagad ng Sining at 30 sa 31 Pambansang Alagad ng Agham ay may kaugnayan sa Unibersidad.[2][4][7]