Unibersidad ng Santo Tomas

Unibersidad ng Santo Tomas
Itinatag noong1611
Uripontifical university, research university, open-access publisher
Akademikong apilasyonInternational Council of Universities of Saint Thomas Aquinas
Mag-aaral33,013
Lokasyon,
Websaythttp://www.ust.edu.ph
Map
Ang pangunahing edipisyo o malaking gusali ng pamantasan.

Ang Unibersidad ng Santo Tomas o University of Santo Tomas, Opisyal na pangalan: Pontipikal at Maharlikhang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat na UST), ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.

Ang buong pangalan ng pamantasan ay "Ang Pontipikal at Maharlikang Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas". Ipinagkaloob ni Carlos III ng Espanya sa pamantasan ang titulong "Maharlikang Pamantasan" dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Inglatera sa Maynila. Iginawad ni León XIII sa pamantasan ang titulong "Pontipikal na Pamantasan" sa taong 1902 at ipinagkaloob naman ni Pío XII dito ang titulong "Ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas" sa taong 1974.

Ang Unibersidad of Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko sa buong mundo sa bilang ng mga mag-aaral sa isang kampus.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne