Unibersidad ng Sidney

Main Quadrangle

Ang Unibersidad ng Sydney (Ingles: University of Sydney, impormal na USyd o USYD) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Sydney, Australia. Itinatag noong 1850, ito ay ang unang unibersidad sa Australia at kinikilala bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa mundo. Ito ay niraranggo bilang isa sa 50 pinakareputableng unibersidad. Ang mga nagtapos dito ay niraranggo bilang ikaapat na pinakaemployable sa mundo at ang nangunguna sa Australia. Ang unibersidad ay binubuo ng 16 fakultad at paaralan, sa pamamagitan ng mga ito ay nakakapag-alok ng mga digring batsilyer, master at doktoral. Noong 2014, ito ay may 33,505 undergraduate at 19,284 graduate students.

Limang nagwagi ng Nobel at dalawang nagwagi ng Crafoord ang konektado sa unibersidad bilang mga nagtapos o mga guro. Ang unibersidad ay nag-eduka sa pitong punong ministro ng Australia, dalawang gobernador heneral ng Australia, siyam na gobernador ng mga estado at administrador ng mga teritoryo, at 24 hukom ng Mataas na Hukuman ng Australia, kabilang ang apat na punong mahistrado. Ang Sydney ay nakapagprodyus ng 110 Rhodes Scholars at ilang Gates Scholars.

33°53′15″S 151°11′24″E / 33.8875°S 151.19°E / -33.8875; 151.19 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne