Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
United Nationalist Democratic Organization | |
---|---|
Pinuno | Salvador Laurel |
Humiwalay sa | Partido Nacionalista |
Ang United Nationalist Democratic Organization o UNIDO ang pangunahing partidong pampolitika sa paning ng oposisyon sa mga huling taon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos noong mga kalagitnaan ng 1980. Ito ay binuo noong Enero 1980 at orihinal na kilala bilang United Democratic Opposition mula 1980 hanggang 1982. Sa simula ay isa itong unyon ng walong malalaki(major) at maliliit(minor) na mga partidong pampolitika at mga organisasyon(samahan) na ang pangunahing layunin ay patalsikin si Marcos sa pamamagitan ng isang legal na prosesong pampolitika. Noong Abril 1982, binago ng koalisyon ang pangalan nito sa United Nationalist Democratic Organization at dumagdag ang mga kasapi nito sa 12 mga partido. Sa maikling panahon pagkatapos nang pagkakapaslang sa kilalang oposisyonistang si Benigno Aquino, Jr., ang partidong ito ay pinamunaan ng senador sa panahong itong si Salvador Laurel.