United Kingdom

Reyno Unido ng Dakilang Britanya at Hilagang Irlanda
United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland (Ingles)
Watawat ng Reyno Unido
Watawat
Eskudo ng Reyno Unido
Eskudo
Awitin: God Save the King
"Diyos Iligtas ang Hari"
Pangunahing lupain ng Reyno Unido.

Pandaigdigang teritoryong saklaw ng Reyno Unido kasama ang mga dependensiya ng korona, teritoryo sa ibayong dagat, at pag-aangkin nito sa Antartika.
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Londres
51°30′N 0°7′W / 51.500°N 0.117°W / 51.500; -0.117
Wikang opisyal
at pambansa
Ingles
Pangkat-etniko
(woqq)
  • 87.1% Puti
  • 7.0% Asyatiko
  • 3.0% Itim
  • 2.0% Halo-Halo
  • 0.9% Iba pa
Relihiyon
(2011)
KatawaganBritaniko
Bayang konstituyenteInglatera • Eskosya
Gales • Hilagang Irlanda
PamahalaanUnitaryong parlamentaryong
monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Carlos III
Keir Starmer
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Kapulungan ng mga Panginoon
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Karaniwan
Formation
1535 and 1542
24 March 1603
1 May 1707
1 January 1801
5 December 1922
Lawak
• Kabuuan
242,495 km2 (93,628 mi kuw) (ika-78)
• Katubigan (%)
1.51 (2015)
Populasyon
• Pagtataya sa 2020
Neutral increase 67,081,000 (ika-21)
• Senso ng 2011
63,182,178 (ika-22)
• Densidad
270.7/km2 (701.1/mi kuw) (ika-50)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $3.752 trilyon (ika-8)
• Bawat kapita
Increase $55,301 (ika-28)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $3.376 trilyon (ika-6)
• Bawat kapita
Increase $49,761 (ika-25)
Gini (2019)36.6
katamtaman · ika-33
TKP (2019)Increase 0.932
napakataas · ika-13
SalapiLibrang esterlina (GBP)
Sona ng orasUTC (Greenwich Mean Time, WET)
• Tag-init (DST)
UTC+1 (British Summer Time, WEST)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy
yyyy-mm-dd (AD)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
kanan (sa Gibraltar at Teritoryong Britaniko ng Karagatang Indiko)
Kodigong pantelepono+44
Internet TLD.uk
Pinalitan
Reyno Unido ng Dakilang Bretanya at Irlanda

Ang Reyno Unido (Ingles: United Kingdom), opisyal na Reyno Unido ng Dakilang Britanya at Hilagang Irlanda, karaniwang tinatawag na Britanya (Ingles: Britain), at dinadaglat bilang RU (Ingles: UK), ay bansang kapuluan na pangunahing matatagpuan sa hilagang-kanlurang Europang kontinental. Pinapaligiran ito ng Karagatang Atlantiko sa hilaga't kanluran, Dagat Hilaga sa silangan, Dagat Irlandes sa kanluran, at Bambang ng Inglatera sa timog, nagbabahagi rin ito ng limitasyong lupain sa Republika ng Irlanda. Sumasaklaw ng halos 242,495 km2, ito ang pinakamalaking bansa sa Europa at Kanlurang Emisperyo. Mayroon itong populasyon ng mahigit 67 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Londres.

Ang UK ay isang kahariang may saligang-batas na may pambatasang pamamaraan. Ang pununglunsod nito ay Londres. Ito ay binubuo ng apat na danay: Inglatera, Eskosya, Gales, at Hilagang Irlanda. Ang huling tatlo ay may mga kinatawang pangasiwaan, na may kanya-kanyang kapangyarihan,[1][2] sa kani-kanilang mga pununglunsod, Edimburgo, Cardiff, at Belfast. Mayroong tatlong Sakupbayan ng Kaputungan ang UK. Ito ay ang Guernsey, Jersey, at ang Pulo ng Man.[3] Ngunit ang mga ito ay hindi bahagi ng UK ayon sa saligang-batas. Mayroon ding labing-apat na mga Sakupbayan ng Britanya sa Ibayong-dagat.[4] Ito ay ang mga nalabi ng Sasakharing Britaniko na noong ika-19 hanggang ika-20 dantaon, ay ito ang pinakamalaking sasakhari sa kasaysayan kung kailan nasakop nito ang halos isang-kapat na bahagi ng daigdig. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang pangingibabaw ng kapangyarihan ng Britanya sa wika, kalinangan, at pamamaraang pambatas sa mga dating sakupbayan nito.

Ang UK ay isang maunlad na bansa. Ito ay ika-6 sa may pinakamalaking agimat sa pasapyaw na KGK at ika-8 sa may Kapantayan ng Lakas ng Pagbili (KLP). Ito ang kauna-unahang bansa na naging maunlad at pinakamakapangyarihan noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 dantaon.[5] Matatawag pa ring makapangyarihan ang UK na may mapakukundanganang kapangyarihan sa agimat, kalinangan, panghukbo, agham, at banwahan ng daigdig.[6][7] Kinikilala ito bilang bansang may sandatang nuklear. Ito rin ang ika-apat sa daigdig na may pinakamalaking paggugol panghukbo.[8]

Ang UK ay panatilihang kasapi ng Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa simula sa pagkakatatag nito noong 1946. Simula noong 1973, naging kasapi rin ito ng Pamayanang Agimat ng Europa at ang humalinhin dito, ang Samahang Europeo. Ang iba pa nitong kinasasapian ay ang Kapamansaan ng mga Bansa, Kapulungan ng Europa, P7, P8, P20, KKHA, KPEP, at ang KPK.

  1. "Fall in UK university students". BBC News. 29 Enero 2009.
  2. "Country Overviews: United Kingdom". Transport Research Knowledge Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2010. Nakuha noong 28 Marso 2010.
  3. "Key facts about the United Kingdom". Directgov. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2012. Nakuha noong 3 Mayo 2011. The full title of this country is 'the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland'. 'The UK' is made up of England, Scotland, Wales, and Northern Ireland. 'Britain' is used informally, usually meaning the United Kingdom. 'Great Britain' is made up of England, Scotland and Wales. The Channel Islands and the Isle of Man are not part of the UK.
  4. "Working with Overseas Territories". Foreign and Commonwealth Office. Nakuha noong 3 Mayo 2011.
  5. Mathias, P. (2001). The First Industrial Nation: the Economic History of Britain, 1700–1914. London: Routledge. ISBN 0-415-26672-6.
  6. Sheridan, Greg (15 Mayo 2010). "Cameron has chance to make UK great again". The Australian. Sydney. Nakuha noong 23 Mayo 2011.
  7. Dugan, Emily (18 Nobyembre 2012). "Britain is now most powerful nation on earth". The Independent. London. Nakuha noong 18 Nobyembre 2012.
  8. "The 15 Major Spender Countries in 2011". Military Expenditures. Stockholm International Peace Research Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2010. Nakuha noong 3 Mayo 2012.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne