Ang Via dei Condotti (palaging pinapangalanang Via Condotti) ay isang abala at makamodang kalye ng Roma, Italya.[1] Noong panahong Romano, ito ay isa sa mga kalye na tumawid sa sinaunang Via Flaminia at nagbigay-daan sa mga taong tumawi ng Tiber upang maabot ang burol Pincio. Nagsisimula ito sa paanan ng mga mga Hagdanang Espanyol at ipinangalan sa mga kanal na nagdadala ng tubig sa mga Paliguan ni Agrippa. Ngayon, ito ay ang kalye na naglalaman ng pinakamaraming bilang ng Italyanong nagbebenta ng moda na nakabase sa Roma, katumbas ng Via Montenapoleone ng Milano, ng Rue du Faubourg-Saint-Honoré ng Paris, ng Via de' Tornabuoni ng Florencia, o ng Kalye Bond ng Londres.
Ang Via Condotti ay isang sentro ng pamilihan ng moda sa Roma. May mga pamilihan dito ang Dior, Gucci, Valentino, Hermès, Armani, Jimmy Choo, La Perla, Prada, Salvatore Ferragamo, Furla, Burberry, Céline, Dolce & Gabbana, Max Mara, Alberta Ferretti, Trussardi, Buccellati, Bulgari, Damiani, Tod's, Zegna, Cartier, Bally, Montblanc, Tiffany & Co., at Louis Vuitton.[2][3] Ang iba, tulad ng Laura Biagiotti, ay mayroong mga tanggapan doon.[4]