Vilma Santos

Vilma Santos-Recto
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ika-anim na Distrito ng Batangas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
30 Hunyo 2016
Nakaraang sinundanMark Llando L. Mendoza mula sa Ika-apat na Distrito
Ika-22 na Gobernador ng Batangas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2007 – 30 Hunyo 2016
Bise GobernadorJose Antonio Leviste II
Nakaraang sinundanArman Sanchez
Sinundan niHermilando Mandanas
Alkalde ng Lipa
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Nakaraang sinundanRuben L. Umali
Sinundan niOscar L. Gozos
Personal na detalye
Isinilang
Maria Rosa Vilma Tuazon Santos

(1953-11-03) 3 Nobyembre 1953 (edad 71)
Bamban, Tarlac, Philippines
KabansaanFilipino
Partidong pampolitikaNacionalista (2018–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
Liberal Party (2009-2018)
Lakas–CMD (1998-2009)
AsawaEdu Manzano (m. 1980–1982)
Ralph Recto (m. 1992)
Anak2, kasama si Luis Manzano
Alma materSt. Mary's Academy - Yakal, Manila (Elementary and Highschool)
TrabahoAktres, mang-aawit, mang-nanayaw
PropesyonPulitiko

Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto (pagbigkas sa Tagalog: [ˈsantɔs ˈrɛktɔ], ipinanganak Nobyembre 3, 1953) isang Pilipinong aktres, mang-aawit, mang-nanayaw, TV host, prodyuser, at pulitiko. Siya ang dating punong bayan (mayor) ng Lungsod ng Lipa (1998-2007) at naging gobernadora (provincial governor) ng probinsiya ng Batangas mula 2007 hanggang 2016. Siya ang ina ni Lucky Manzano sa dating asawa ni Edu Manzano. Sa kasalukuyan, si Senador Ralph Recto ang kanyang asawa at mayroon silang isang anak.

Maliit na bata pa lamang si Vilma ay sumuong na sa paggawa ng pelikula at una niyang ginawa ay ang Anak, ang Iyong Ina! noong 1963 kung saan nakipagtagisan siya sa drama kina Gloria Romero bilang tunay na ina at Rita Gomez bilang nag-alaga sa kanya.

Pangalawang pelikula niya ay tumabo sa takilya at iyon ay ang Trudis Liit na gawa ng Sampaguita Pictures na kasama sina Luis Gonzales at ang kontrabida ay si Bella Flores bilang masungit na madrasta.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne