Viva Films

Viva Films
UriSubsidiyaryo
IndustriyaPelikula
ItinatagLungsod Quezon, Pilipinas (11 Nobyembre 1981; 43 taon na'ng nakalipas (1981-11-11))
NagtatagVicente del Rosario Jr.
Punong-tanggapan,
Pilipinas
Pinaglilingkuran
Buong mundo (pangunahin sa Pilipinas)
Pangunahing tauhan
Wilma Galvante (tagapangulo ng lupon at punong opisyal ng tagapagpagnap)
Felipe L. Gozon
ProduktoPelikula
May-ariGMA Network
MagulangViva Communications

Ang Viva Films ay isang kompanyang pamproduksyon ng pelikula sa Pilipinas na itinatag noong Nobyembre 11, 1981. Nasa ilalim ng Viva Communications Inc. ang Viva Films.[1][2] Nagsimula ang kompanya nang naghahanap ang noo'y Alkalde ng Lungsod ng Pasay na si Pablo Cuneta ng kasosyo para i-prodyus ang ikalawang pelikula ng kanyang anak na si Sharon Cuneta at si Vic del Rosario na humahawak sa karera ni Sharon sa pag-awit ang nahanap niyang maging kasosyo.[3] Naitatag ang Viva Films sa sosyohan na ito para gawin ang P.S. I Love You na pinagbidahan ni Sharon at katambal niyang si Gabby Concepcion.[3]

Noong unang limang taon ng kompanya, naging estratehiya nila ang pagkuha ng mga karapatang-ari ng ibang lokal na prodyuser, at nakakuha sila ng 500 lokal na titulo sa ibang prodyuser na binubuo ng 40% ng kanilang koleksyon na mga gawa.[4] Sa dami ng kanilang mga koleksyong pelikula, kumikita sila sa paglilisensya ng mga ito sa ibang mga plataporma tulad ng mga himpilan ng kaybol na PBO at Cinema One.[4] Nagkaroon din sila ng kasunduan sa ibang kompanyang produksyon tulad ng GMA Pictures[5] at Globalgate Entertainment, na pinamumunuan ng Amerikanong kompanyang produksyon na Lionsgate.[1]

  1. 1.0 1.1 McNary, Dave; McNary, Dave (2019-03-13). "Lionsgate's GlobalGate Adds Philippines' Viva Communications". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
  2. Chua, Zsarlene B. (2019-05-06). "Viva joins Lionsgate's international film group". BusinessWorld Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
  3. 3.0 3.1 Fernandez, Yvette (2019-10-16). "Viva's Vic del Rosario: 'The Industry Will Keep on Booming as Long as We Have Strong Creative People Telling Their Stories'". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
  4. 4.0 4.1 Salterio, Leah C. (2022-11-11). "40 years later: The evolution of Viva and how it stayed in the game". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
  5. "GMA Pictures signs promising deal with Viva Films". BusinessMirror (sa wikang Ingles). 2022-05-05. Nakuha noong 2022-07-07.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne