Vladimir Putin

Vladimir Putin
Si Putin noong 2022
KapanganakanKamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
  • (San Petersburgo, Rusya)
MamamayanRusya (1991–)
NagtaposAcademy of the Federal Security Service of the Russian Federation
Faculty of Law, Saint Petersburg State University
Academy of Foreign Intelligence
School 193
School 281
Saint Petersburg Mining University
Pampamahalaang Unibersidad ng Saint Petersburg
St. Petersburg Institute of the FSB of Russia
Trabahopolitiko
OpisinaPangulo ng Rusya (7 Mayo 2012–)
AsawaLyudmila Ocheretnaya (28 Hulyo 1983–2 Abril 2014)
KinakasamaAlina Kabaeva
AnakKaterina Tikhonova, Maria Vorontsova, Elizaveta Rozova, Ivan Putin, Vladimir Putin Jr.
Magulang
  • Vladimir Putin
  • Maria Putina
Pirma

Si Vladimir Vladimirovič Putin (Siriliko/Ruso: Владимир Владимирович Путин; ipinanganak Oktubre 7, 1952) ay isang Rusong pulitiko at dating intelligence officer na ngayo'y ang kasalukuyang pangulo ng Rusya, puwestong kaniyang kinaluluklukan mula pang 2012, at mula rin noong 2000 hanggang 2008. Siya rin ang naging punong ministro mula 1999-2000 at noon ding mula 2008-2012.[1] Si Putin ang ikalawang pinakamatagal-na-nanunungkulang pangulong Europeo sunod kay Alexander Lukashenko ng Belarus.

Nagtrabaho siya bilang isang foreign intelligence officer sa KGB, kung saan naipataas niya ang kaniyang ranggo sa pagiging tenyente-koronel, bago magbitiw sa trabaho noong 1991 upang simulan ang kaniyang karera pulitikal sa San Petersburgo. Lumipat siya ng Mosku noong 1996 upang pakiisahan ang administrasyon ni pangulong Boris Yeltsin. Nanilbihan siya bilang direktor ng Serbisyo Seguridad Pederal at kalihim ng Konseho ng Seguridad bago maatasan bilang punong ministro noong 1999. Matapos ang pagbitiw ni Yeltsin, si Putin ang naging nanunungkulang-pangulo at direktamenteng nahalal para sa kaniyang unang termino bilang pangulo pagkalipas ng 'di-lalabis sa apat na buwan, at muli noong 2004. Dahil hindi siya pinahintulutan ng saligang batas na lumabis sa dalawang magkasunod na termino, muling nanilbihan si Putin bilang punong ministro sa ilalim ni Dmitry Medvedev, at bumalik sa pagkapangulo noong 2012 sa isang halalan na puno ng bahid ng mga alegasyon ng pandaraya at mga protesta; at muli siyang nahalal noong 2018. Noong Abril ng 2021, kasunod ng isang reperendum, naglagda siya ng pagsasabatas ng mga konstitusyunal na pag-amyenda kabilang ang isa na magpapahintulot sa kaniya na muling mahalal nang dalawa pang beses na tila nagpapalawig sa kaniyang pagkapangulo hanggang 2036.[2][3]

Sa ilalim ng unang panunugkulan ni Putin bilang pangulo, lumago ang ekonomiya ng Rusya nang pitong bahagdan kada taon sa karaniwan, kasunod ng mga repormang pang-ekonomiya at ng isang pagtaas nang limandaang bahagdan ng halaga ng oil at gas. Pinumunuan niya rin ang Rusya sa pakikipagdigma nito laban sa mga separatistang Chechena hanggang sa muling mapasakamay ng pederasyon ang kanilang rehiyon. Bilang punong ministro sa ilalim ni Medvedev, pinangasiwaan niya ang mga naging reporma sa militar at kapulisan, maging ang tagumpay ng Rusya sa pagdigma nito laban sa Georgia.

  1. "Timeline: Vladimir Putin – 20 tumultuous years as Russian President or PM". Reuters. 9 August 2019. Nakuha noong 29 November 2021.
  2. Odynova, Alexandra (5 April 2021). "Putin signs law allowing him to serve 2 more terms as Russia's president". CBS News.
  3. "Putin — already Russia's longest leader since Stalin — signs law that may let him stay in power until 2036". USA Today.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne