Watawat ng Bhutan


Watawat ng Kaharian ng Bhutan
}}
Paggamit Pambansang watawat National flag
Proporsiyon 2:3
Pinagtibay 1969
Disenyo Nakahati na dayagonal mula sa ibabaw na bahaging malapit sa poste; ang taksulok na nasa ibabaw ay dilaw at ang taksulok na nasa ilalim ay kahel; nasa gitna sa hanay ng linyang naghahati ay isang malaking puting dragon na nakaharap papalayo sa poste.[1]

Ang pambansang watawat ng Bhutan (Dzongkha: ཧྥ་རན་ས་ཀྱི་དར་ཆ་; Wylie: hpha-ran-sa-kyi dar-cho) ay isa sa mga pambansang simbolo ng Bhutan. Ang watawat ay nakabase sa Liping Drukpa ng Budismong Tibetano at itinatampok ng Druk, ang Dragon ng Kulog sa Mitolohiyang Butanes. Ang simpleng disenyo ng watawat ni Mayum Choying Wangmo Dorji ay mula pa noong mga 1947. Ang bersyon na nakapakita noong 1949 sa pagpirma ng Kasunduhang Indiya-Bhutan. Isang pangalawang bersyon ay ipinakilala noong 1956 noong nagbisita si Druk Gyalp Jigme Dorji Wangchuk sa silangang Bhutan; ito ay nakabase sa mga larawan ng naunang watawat ng 1949 at itinampok ang isang puting Druk kapalit ng orihinal na lunti.

Pinaltan ng mga Butanes ang kanilang watawat upang magtugma sa sukat ng watawat ng Indiya, na pinaniwalahan nila na mas nagwagawayway ng maayos. Isa pang pagbabago ay pagiiba ng pula sa watawat sa kulay-kahel. Ito ang kasalukuyang watawat, at ginagamit mula pa noong 1969. Ang Pambansang Pagpupulong ng Bhutan ay nagsabatas ng isang a kodigo ng asal noong 1972 para isapormal ang disenyo ng watawat at maglaad ng isang protokol ukol sa mga katanggaptanggap na mga sukat ng watawat at mga kondisyong sa pagwagayway ng watawat.

  1. "National Flag". National Portal of Bhutan. 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-13. Nakuha noong 2010-09-25.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne