Watawat ng Pilipinas


Watawat ng Pilipinas
}}
Paggamit Pambansang watawat at ensenya National flag and ensign
Proporsiyon 1:2
Pinagtibay 12 Hunyo 1898
}}
Baryanteng watawat ng Pilipinas
Paggamit Pambansang watawat at ensenya National flag and ensign
Proporsiyon 1:2
Flag ratio: 1:2

Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay.[1] Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.[2]

  1. Tandaan: Matatagpuan ang Iloilo sa Panay kung saan ang unang lalawigan sa labas ng Luzon na nagtaas ng watawat na ito.
  2. "RP flag blooper in New York not intentional—US embassy - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-30. Nakuha noong 2013-05-27.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne