Wikang Aleman

Ang wikang Aleman ay kasapi ng sangay Hermaniko ng napakalawak na pamilya ng wikang tinatawag na Indo-Europeo. Ang kalipunan ng mga wikang ito ay matatagpuang ginagamit sa Europa at malaking bahagi ng Asya. Kabilang dito ang mga salita sa Indiya, Iran, Tajikistan, at Afghanistan at sa kanluran at hilagang Europa. Ang Aleman ay malapit na kamag-anak ng Yiddish, Ingles, Olandes, Suweko, Noruwego, at Danes. Ang Aleman ay ginagamit sa Alemanya, Austria, bahagi ng Unggarya, bahagi ng Republikang Tseko, Liechtenstein at sa hilagang Suwisa. Ito ay may mga diyalekto rin na kinabibilangan ng Hessisch, Schwäbisch, Thüringisch, atbp.

Ang Yiddish, bagaman nagsimula bilang isang halo ng mga dyalektong Hochdeutsch, ay itinuturing ngayon bilang hiwalay na wika dahil sa paggamit nito ng mga standard na naiiba sa Aleman. Ang Yidish ay dinala ng mga Hudiyo sa iba’t ibang bahagi ng Europa nang sila ay pinaalis sa Alemanya noong ika-18 daantaon at mas maaga pa.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne