Ang wikang Armenyo (Հայոց լեզու; Romanisasyon: Hayots’ lezu) ay isang wikang Indo-Europeo na kabilang sa isang malayang sangay kung saan ito'y natatanging kasapi. Ito ang opisyal na wika ng Armenya. Makasaysayang sinalita sa kabundukang Armenyo, malawak na sinasalita ang wika sa diasporang Armenyo. Ang sistema ng pagsusulat nito ay ang alpabetong Armenyo na ipinakilala noong 405 ni paring Mesrop Mashtots. Tinatayang higit 5 hanggang 7 milyong tao ang nagsasalita ng Armenyo.