Wikang Chavacano

Chavacano
Chabacano
Katutubo saPilipinas
RehiyonLungsod ng Zamboanga at Basilan (Zamboangueño), Lungsod ng Cavite (Caviteño) at Ternate, Cavite (Ternateño)
Pangkat-etnikoZamboangueño
Pilipino sa Indonesia
Pilipino sa Malaysia
Pilipinong Amerikano
Mga natibong tagapagsalita
(689,000 ang nasipi 1992)[1][2]
Latin (Alpabetikong Espanyol)
Opisyal na katayuan
Kinikilalang wika ng minorya sa
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3cbk
Glottologchav1241
Linguasphere51-AAC-ba
Bahagi kung saan sinasalita ang Chavacano
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang Chavacano o Chabacano ay isang pangkat ng wikang kriolyo na batay sa Kastila na sinasalita sa Pilipinas. Ang baryante na sinasalita sa Lungsod ng Zamboanga, na matatagpuan sa timugang Pilipinong grupo ng isla ng Mindanao ay may pinakamaraming nagsasalita. Mahahanap ang mga ibang nabubuhay na uri nito sa Lungsod ng Cavite at Ternate, na matatagpuan sa lalawigan ng Cavite sa pulo ng Luzon.[3] Chavacano ang nag-iisang kriolyo batay sa Kastila sa Asya.[4]

Naiiba ang mga uri ng Chavacano sa tiyak na aspekto tulad ng talasalitaan ngunit sa pangkalahatan ay nagkakaintidihan ang mga nagsasalita ng mga uring ito, lalo na sa mga kalapit ng uri. Habang nagmumula sa Kastila ang karamihan ng leksikon ng mga iba't ibang uri ng Chavacano, magkatulad ang kanilang mga pambalarilang istruktura sa mga ibang wikang Pilipino. Kabilang sa mga wika ng Pilipinas, ito lamang ang hindi wikang Austronesyo, ngunit tulad ng mga wikang Malayo-Polynesyo, gumagamit ito ng reduplikasyon.

Nagmumula ang salitang Chabacano mula sa Kastila, na halos nangangahulugan ng “malaswa” o “bulgar”, ngunit walang negatibong konotasyon ang salita sa mga kasalukuyang nagsasalita at at nawala ang orihinal na kahulugan nito mula sa Kastila.

  1. Spanish creole: Quilis, Antonio (1996), La lengua española en Filipinas (PDF), Cervantes virtual, p. 54 and 55
  2. Número de hispanohablantes en países y territorios donde el español no es lengua oficial Naka-arkibo 29 April 2012 sa Wayback Machine., Instituto Cervantes.
  3. "Chavacano". Ethnologue (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-11-16.
  4. "The Early History of Chavacano de Zamboanga: Chabacano versus related creoles". www.zamboanga.com. Nakuha noong 2018-11-16.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne