Filipino | |
---|---|
Wikang Filipino | |
Bigkas | [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno] |
Katutubo sa | Pilipinas |
Mga natibong tagapagsalita | 45 milyong tagapasalitang L2 (Tagalog) (2013)[1] |
Latin (alpabetong Filipino) Filipinong Braille Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Pilipinas
ASEAN | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | fil |
ISO 639-3 | fil |
Glottolog | fili1244 |
Linguasphere | 31-CKA-aa |
Mga bansa na may higit sa 500,000 tagapagsalita
Mga bansa na may 100,000–500,000 tagapasalita
Mga bansa kung saan sinasalita ito ng mga minoryang pamayanan | |
Ang wikang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas. Itinalaga rin ang Filipino, kasama ang wikang Ingles, bilang isang wikang opisyal ng bansa.[2] Isa itong de facto at hindi de jureng pamantayang anyo ng wikang Tagalog,[3] na isang wikang rehiyonal na Austronesiang malawakang sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24 milyong katao o mga nasa isang-kapat ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika,[4] habang nasa 45 milyong katao naman ang nagsasalita ng Tagalog bilang pangalawang wika na sang-ayon noong 2013.[1] Isa ang Tagalog sa 185 na mga wika sa Pilipinas na natukoy sa Ethnologue.[5] Sa pagkaopisyal, binibigyang-kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa mga iba pang sentrong urban ng arkipelago.[6]
Gaya ng ibang wikang Austronesian, karaniwang ginagamit ng Filipino ang ordeng pandiwa-paksa-obheto, pero puwede ring gamitin ang ordeng paksa-pandiwa-obheto. Ang direksiyonalidad nito ay puno-inisyal o puno-muna (head-initial directionality). Isa itong wikang aglutinatibo, pero puwedeng itaglay nito ang impleksiyon. Hindi ito wikang de-tono at puwedeng ikonsidera ito bilang isang wikang de-punto (pitch accent).
Hinangong opisyal ang Filipino para maging isang wikang plurisentriko, habang pinapayaman at pinapabuti pa ito ng iba pang mga wika sa Pilipinas na sang-ayon sa mandato ng Konstitusyon ng 1987.[7] Naobserbahan sa Metro Cebu[8] at Metro Davao[9] ang paglitaw ng mga varayti ng Tagalog o Filipino na may naiibang gramatika. Kabilang ang mga lugar na ito at ang Metro Manila sa tatlong metropolitan area ng Pilipinas.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang.
{{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong)