Bikol | |
---|---|
Central Bikol | |
bicolano central | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Bicol |
Mga natibong tagapagsalita | (2.5 milyon ang nasipi 1990 census) Ika-7 pinakasinasalitang katutubong wika sa Pilipinas[1] |
Awstronesyano
| |
Latin; sinaunang sinusulat sa pamamagitan ng Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Kabikulan | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon ng Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | bcl |
Ang Gitnang Bikol na karaniwang tinatawag ding Bikol Naga ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon. Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.
Sa Gitnang Bikol, mayroong mga bokabularyo na hindi mahahanap sa ibang wikang Bikol ni sa ibang miyembro ng Gitnang Pilipinong pamilya ng wika tulad ng Tagalog at Sebwano. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga salitang matua at bitis na salitang Kapampangan din na may kahulugang mas matanda at paa/mga paa ayon sa pagkabanggit. Halimbawa rin ang salitang banggi (gabi) na kakaiba mula sa karaniwang salitang Bikol na "gab-i" ngunit mas malapit sa bengi ng Kapampangan. Walang pormal na pagsusuri tungkol sa kaugnayan ng mga wikang Gitnang Luzon sa Gitnang Bikol ngunit ang ikalawa ay may ilang salita na mahahanap sa makalumang anyo ng Tagalog na sinasalita sa mga probinsyang Rizal at Quezon na pinaniniwalaang tahanan ng mga Gitnang Pilipinong wika tulad ng Kapampangan sa Pampanga at Timugang Tarlac, at wikang Sambaliko sa probinsyang Zambales.