Espanyol, Kastila | |
---|---|
español, castellano | |
Bigkas | /espaˈɲol/, /kasteˈʎano/ - /kasteˈʝano/ |
Rehiyon | Mga bansa at teritoryo na gumagamit ng Espanyol: Argentina, Bolivia, Chile, Colombia, Costa Rica, Cuba, Republikang Dominikano, Ecuador, El Salvador, Gineang Ekwatoryal, Guatemala, Honduras, Mexico, Nicaragua, Panama, Paraguay, Peru, Puerto Rico, Espanya, Uruguay, Venezuela, Western Sahara at may kapansin-pansing bilang ng populasyon sa Andorra, Belize, Gibraltar, Pilipinas, at Estados Unidos. |
Mga natibong tagapagsalita | Pangunahing wikaa: 450[1]– c. 400 million[2][3][4] Kalahatan a: 400–500 milyion[5][6][7] aLahat ng mga bilang ay humigit-kumulang lamang. |
Latin (Halaw sa Kastila) | |
Opisyal na katayuan | |
22 mga bansa, Nagkakaisang mga Bansa, Unyong Europeo, Organisasyon ng mga Amerikanong Estado, Unyong Latin | |
Pinapamahalaan ng | Asosasyon ng Mga Akademya ng Wikang Kastila (Real Academia Española at ng iba pang 21 mga akademya ng pambansang wikang Espanyol) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | es |
ISO 639-2 | spa |
ISO 639-3 | spa |
Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa bulgar na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo. Ito ay kabilang sa pangkat ng Iberyano at nagmula sa “Castilla”, ang kaharianang medyebal ng Tangway ng Iberia. Nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Ispano.
Ito ang Ikalawa sa pinakasinasalitang kong wika sa buong mundo kasunod lamang ng Tsino, at pang-apat na pinakasinasalitang wika sa buong mundo sa pangkalahatan pagkatapos ng Ingles, Tsino at Hindi. Ang Kastilá din ang pangatlong ginagamit na wika sa mga website sa internet pagkatapos ng Ingles at Tsino.
Pangunahing sinasalita ang wika sa Espanya at Amerikang Ispano, pati na rin sa mga pamayanan na nagsasalita ng Kastila na naninirahan sa iba't-ibang mga bansa, sa Nangagkakaisang Bayan ng Amerika na may humigit-kumulang na 40-milyong tagapagsalita. Sa ilang mga bansa na dati ay nasa ilalim ng pamamahala ng Espanya kung saan ang Kastilà ay hindi na ang karamihan o opisyal na wika, patuloy nitong pinapanatili ang malaking kahalagahan sa pang-kultura, kasaysayan at madalas na pangwika na kahulugan, na naging kaso ng Pilipinas at ilang mga isla ng Karibe.
Ito ay isa sa anim na opisyal na wika ng Nangagkakaisang Bansa. Ito rin ay isang opisyal na wika sa maraming pangunahing mga organisasyong pangdaigdig - ang Unyong Europeo, ang Unyong Aprikano, ang Organisasyon ng mga Estadong Amerikano, ang Organisasyon ng Estadong Ibero-Amerikano, ang Kasunduan sa Malayang Kalakalan ng Hilagang Amerikano (NAFTA), at iba pa.