Katalan | |
---|---|
Catalan-Valencian-Balear | |
català | |
Bigkas | [kətəˈla] (EC) ~ [kataˈla] (WC) |
Katutubo sa | Andorra, Pransya, Italya, Espanya |
Rehiyon | Mga bansang Katalan, distribusyong heograpiko Hilagang-silangan, sa kapalibutan ng Barselona; Katalunya, Mga lalawigang Balensyano, Kapuluan ng Balearo; Rehiyong Kartse, Lalawigan ng Murcia sa Espanya.[1] |
Pangkat-etniko | Mamamayang Katalan |
Mga natibong tagapagsalita | 4.1 million (2012)[1] L2 tagapagsalita: 5.1 million sa Espanya (2012) |
Indo-Europeo
| |
Sinaunang anyo | |
Pamantayang anyo |
|
Latin (Alpabetong Katalan) Braylyeng Katalan | |
Tatak Katalan | |
Opisyal na katayuan | |
Unyong Latin | |
Kinikilalang wika ng minorya sa | |
Pinapamahalaan ng | Institut d'Estudis Catalans Acadèmia Valenciana de la Llengua |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ca |
ISO 639-2 | cat |
ISO 639-3 | cat |
Glottolog | stan1289 |
Linguasphere | 51-AAA-e |
Ang Katalan (Katalan: català; bigkas [ka·ta·lá]) ay isang wikang Romanse (mga wikang nag-ugat sa Latin). Ito ang opisyal na wika ng bansang Andorra at kapwa-opisyal sa mga awtonomong pamayanan ng Espanya ng Kapuluang Balear at Katalunya. Kapwa-opisyal din ito sa Pamayanang Balensyano, kung saan tinatawag itong Balensyano (Katalan: valencià; bigkas [va·len·syá]). Ang Espanya ang may pinakamaraming pang-araw-araw na tagapagsalita ng Katalan. Sinasalita ito ng mahigit-kumulang 9 milyong tao na naninirahan hindi lamang sa Andorra at Espanya kundi maging din sa Pransya at Italya. Mayroon itong katayuang semi-opisyal sa lungsod ng Algero sa Italyanong pulo ng Serdenya.