Kawi | |
---|---|
Padron:Jav (Bhāṣa Kawi, Lumang Habanes) | |
Katutubo sa | Java, Bali, Madura, Lombok, Indonesia; Pilipinas |
Rehiyon | Indonesia, Pilipinas |
Kamatayan | wikang pampanitikan, lipas na noong ika-14 siglo |
Austronesyo
| |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | kaw |
ISO 639-3 | kaw |
kaw | |
Glottolog | kawi1241 |
Ang Kawi (mula sa Sanskrit: kavi, "makata") ay isang pampanitikan at tuluyan na wika sa mga pulo ng Java, Bali, at Lombok, batay sa Lumang Habanes, isang wika na may isang malaking bokabularyo ng Sanskrit na mga hiram na salita. Ang Kawi ay ang ninunong wika ng modernong Habanes. Ang pangalan na "kawi" ay nagmula sa salitang-ugat na ku, na sa Sanskrit ay nangangahulugang "makata", at, sa pinagmulang mga anyo, ay isang "marunong, edukadong tao". Ang papantig na metro ng Kawing tula ay sekar kawi, na nangangahulugang "mga bulaklak ng wika", ang sekar mismo ay nanggagaling mula sa Sanskrit na "sekhara" ("girlanda"). Ang lahat ng mga wikang Habanes ay mapangherarkiya at naka-estratipika, na may mahigpit na panlipunan na balarila para sa naaangkop na mga kubtangkas ng wika na ginagamit para sa mga nakakataas ng isang tao o panlipunan at kultural na katungkulan.