Wikang Sebwano

Sebwano
Bisaya, Sinugbuanon
Katutubo saPilipinas
RehiyonGitnang Kabisayaan, silangang Negros, kanlurang bahagi ng Silangang Kabisayaan, at karamihang bahagi ng Mindanao
Pangkat-etnikoMga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.)
Mga natibong tagapagsalita
20 milyon (2023)[1]
Mga diyalekto
  • Pamantayang Sebwano (Lalawigan ng Cebu)
  • Urbanong Sebwano (Metro Cebu)
  • Sebwano ng Negros
  • Sebwano ng Bohol
  • Sebwano ng Leyte (Kana)
  • Sebwano ng Mindanao
  • Sebwano ng Davao
Latin (Alpabetong Sebwano)
Braille ng Pilipinas
Sa kasaysayan, Badlit
Opisyal na katayuan
Wikang rehiyonal sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngAkademyang Bisaya
Komisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2ceb
ISO 639-3ceb
Mga pook sa Pilipinas kung saan sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika

Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa timugang bahagi ng Pilipinas. Sa impormal na usapan, tinatawag itong Bisaya o Binisaya (bagaman hindi ito dapat ipagkamali sa ibang wikang Bisaya).[a] Sinasalita ito ng mga Bisaya na katutubo sa mga pulo ng Cebu, Bohol, Siquijor, ang silangang bahagi ng Negros, ang kanlurang bahagi ng Leyte, mabaybaying lugar ng Hilagang Mindanao at silangang bahagi ng Zamboanga del Norte dahil sa mga pamayanang Espanyol noong ika-18 siglo. Sa modernong panahon, kumalat na rin ito sa Rehiyon ng Davao, Cotabato, Camiguin, mga bahagi ng Kapuluang Dinagat, at mga kapatagan ng Caraga, kadalasang nagpapalit sa mga katutubong wika sa mga lugar na iyon (karamihan sa mga ito ay may malaking kaugnayan sa wika).[2][3]

Habang wikang Tagalog ang may pinakamalaking bilang ng mga katutubong mananalita sa mga wika ng Pilipinas ngayon, wikang Sebwano ang may pinakamalaking populasyon ng katutubong mananalita sa Pilipinas mula d. 1950 hanggang mga d. 1980.[4] Ito ang pinakamalawak na sinasalita sa mga wikang Bisaya.[5]

Ang Sebwano ay lingguwa prangka ng Gitnang Kabisayaan, mga kanlurang bahagi ng Silangang Bisayas, mga ilang kanlurang bahagi ng Palawan at karamihan ng mga bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). Ito ang pinagmulan ng Pamantayang Sebwano.[2] Pangunahing wika rin ang Sebwano sa Kanlurang Leyte—lalo na sa Ormoc. May tatlong letrang kodigo ang Sebwano sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.

  1. "Population Projection Statistics" [Estadistika ng Prodyeksiyon ng Populasyon]. psa.gov.ph (sa wikang Ingles). 28 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2023. Nakuha noong 20 Mar 2024.
  2. 2.0 2.1 Wolff 1972
  3. "Cebuano" [Sebwano]. Ethnologue (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 September 2018.
  4. Ammon, Ulrich; Dittmar, Norbert; Mattheier, Klaus J.; Trudgill, Peter (2006). Sociolinguistics: An International Handbook of the Science of Language and Society [Sosyolingguwistika: Isang Pandaigdigang Hanbuk ng Agham ng Wika at Lipunan] (sa wikang Ingles). Bol. 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 9783110184181.
  5. "Language Specific Peculiarities Document for Cebuano as Spoken in the Philippines" [Dokumento ng Mga Partikular na Katangian ng Wika para sa Sebwano na Sinasalita sa Pilipinas] (PDF). Linguistic Data Consortium. Enero 12, 2020.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne