Tausug | |
---|---|
Bahasa Sūg بَهَسَ سُوگ | |
Katutubo sa | Pilipinas, Malaysia |
Rehiyon | — Sinasalita sa Kapuluang Sulu at silangang Sabah — Sinasalita rin sa Lungsod ng Zamboanga |
Pangkat-etniko | Tausug Mga Pilipino sa Malaysia |
Mga natibong tagapagsalita | (1.1 milyon ang nasipi 2000)[1] |
Latin (alpabetong Malay) Arabe (Jawi) | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang panrehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | tsg |
Glottolog | taus1251 |
Mga lugar kung saan pangmaramihang katutubong wika ang Tausug | |
Ang Wikang Tausug ([taʔu'sug]; Tausug: Bahasa Sūg; Malay: Bahasa Suluk; Kastila: idioma joloano/suluano) ay isang wikang Bisaya na sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas. Sinasalita rin ito sa silangang bahagi ng Sabah, Malaysia ng mga Tausug.
Malawakang sinasalita ito sa Kapuluang Sulu (Tawi-Tawi), Tangway ng Zamboanga (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Lungsod ng Zamboanga), Timog Palawan at Malaysia (silangang Sabah). Ang Tausug at Chavacano ang dalawang tanging wikang Pilipino na sinasalita sa isla ng Borneo.
Malapit na kamag-anak ang wikang Tausug sa wikang Surigaonon ng mga lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur, at ang wikang Butuanon ng hilagang-silangang Mindanao.