Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt.
Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang "mabilis" o "magmadali".[1]
Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki.
Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan.
Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang "Wiki Wiki" ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository.
Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa "What I know is" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman.