![]() | Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
![]() | Ang pahinang ito sa maikling salita: Sinasaklaw ng Wikipedia ang mga paksang may notabilidad—yaong mga nakakuha ng sapat na makabuluhang atensyon sa buong mundo sa isang panahon, at hindi nasa labas ng saklaw ng Wikipedia. Tinuturing naming ebidensya ang mula sa mga sangguniang maaasahan at malaya upang sukatin ang atensyon na ito. Hindi sinasakop ng gabay sa notabilidad na ito ang pagtutukoy sa laman ng mga artikulo, subalit tutukuyin lamang kung ang paksa ay maaring magkaroon ng sariling artikulo. |
Sa Wikipedia, ang notabilidad ay isang pagsubok ng mga patnugot upang pasyahan kung ang isang binigay na paksa ay dapat may sariling artikulo.
Ang impormasyon sa Wikipedia ay kailangang napapatunayan; kung walang makikitang sangguniang maaasahan, at malaya tungkol sa isang paksa, hindi dapat magkaroon ito ng isang hiwalay na artikulo. Nailalapat ang konsepto ng notabilidad ng Wikipedia sa panimulang pamantayang ito upang maiwasan ang walang itinatanging pagsama ng mga paksa. Kailangang may notabilidad, o "karapatdapat na mapansin" ang artikulo o paksang nakatala. Hindi kinakailangang dumepende ang pagtukoy sa notabilidad ang mga bagay tulad ng kasikatan, kahalagaan, o popularidad-bagaman, maaring mapabuti nito ang pagiging katanggap-tanggap ng isa paksa na ipinaliwanag sa ibaba.
Ipinapalagay ang isang paksa na karapat-dapat magkaroon ng isang artikulo kung:
Hindi ginagarantiya nito na maisasagawa ang paksa bilang isang hiwalay, nakapag-isang pahina. Maaring gamitin ng mga patnugot ang kanilang mabuting pagpapasya na pag-isahin o igrupo sa dalawa o higit pa na magkakaugnay na mga paksa sa iisang artikulo. Binabalangkas lamang ng mga gabay na ito kung papaano nararapat ang isang paksa na magkaroon ng sarili nitong artikulo o tala. Hindi nililimitahan nito ang nilalaman ng isang artikulo o tala, bagaman, karaniwang ginagamit ang notabilidad bilang isang pamantayan sa pasasali para sa mga tala (halimbawa, para sa pagtatala ng mga alumnus ng isang paaralan). Para sa mga patakaran ng Wikipedia tungkol sa nilalaman, tingnan ang Walang pinapanigang pananaw, Pagpapatunay, Walang orihinal na pananaliksik, Ano ang hindi sa Wikipedia, at Talambuhay ng mga buhay na tao.