Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito. |
Ang pahinang ito sa maikling salita: Masusuri dapat ng mga mambabasa ang kahit anumang impormasyon sa loob ng Wikipedia na hindi gawa-gawa lamang. Ibig sabihin, kailangang may atribusyon ang lahat ng materyal sa maaasahan, nakalathalang mga sanggunian. Karagdagan pa dito, ang mga pagbanggit at materyal na pinagduduhan o malamang pagduduhan ay kailangang may suportang mga pagtukoy pagkatapos ng pagbanggit. |
Sa Wikipediang Tagalog, nangangahulugan ang pagpapatunay na masusuri ng ibang tao na ginagamit ang ensiklopedya na nanggagaling ang impormasyon mula sa maasahang sanggunian. Hindi naglalathala ang Wikipedia ng orihinal na pananaliksik. Natutukoy ang nilalaman nito sa nakaraang nailahtalang impormasyon sa halip na mga paniniwala, opinyon, at karanasan ng patnugot. Kahit na tiyak ka na totoo ang isang bagay, kailangang mapatunayan ito bago ito maidagdag.[1] Kung hindi nagkakasundo ang mga maasahang sanggunian, ipinatili ang isang walang pinapanigang pananaw at ipakita kung ano ang sinasabi ng iba't ibang sanggunian, na binibigyan ang bawat panig ng kanilang nararapat na timbang.
Kailangang mapapatunayan ang lahat ng materyal sa pangunahing espasyo ng Wikipedia, kabilang ang lahat na nasa mga artikulo, tala, at paliwanag. Lahat ng mga pagbanggit, at kahit anumang materyal kung saan pinagduduhan o malamang pagduduhan ang mga pangungusap ay kailangang lagyan ng isang pagtukoy pagkatapos ng pagbanggit na tumuturo sa isang maasahang sanggunian na direktang sininusuporta[2] ang materyal. Matatanggal ang anumang materyal na kailangan ng pagtukoy pagkatapos ng pagbanggit subalit walang ibinigay. Pakitanggal agad ang pinag-aalinlangang materyal tungkol sa buhay na tao na walang sanggunian o hindi sapat ang sanggunian.
Para sa kung papaano magsulat ng mga pantukoy, tingnan pagtukoy ng mga sanggunian. Ang pagpapatunay, walang orihinal na pananaliksik, at pananaw na walang pinapanigan ay ang mga pangunahing patakaran ng Wikipedia. Gumagana silang sama-sama upang matukoy ang nilalaman, para maunawaan ng mga patnugot ang mga pangunahing punto ng tatlo. Kailangan din sumunod ang mga artikulo sa patakaran sa karapatnag-ari.