Wikipedia:Patungkol

Tandang pagkakakilanlan ng Wikipedia.

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may malayang nilalaman na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo. Isang itong wiki - ibig sabihin, maaaring makapag-edit ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot sa Baguhin (biswal na pagpapatnugot) o Baguhin ang wikitext (klasikong pagpapatnugot).

Ang Wikipedia ay isang tatak at pagmamay-ari ng Wikimedia Foundation, Inc. o Pundasyong Wikimedia.

Sakop ng lisensiyang unported (walang hurisdiksyon, hal. bansa) na Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan ang Karapatang-ari at ang Mga Pagtatanggi para sa karagdagang impormasyon).


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne