Wikipedia:Supnayan ng mga nagdaang napiling larawan

Ito ang mga tala ng mga napiling larawan. Kung nais mong mag-nomina ng larawan pumunta sa pahina ng nominasyon.


Sinasagisag ng bituing ito ang mga napiling nilalaman sa Wikipedia.
Sinasagisag ng bituing ito ang mga napiling nilalaman sa Wikipedia.

Mga napiling larawan sa Wikipedia

Itinatangi ng pahinang ito ang mga larawan na itinuturing ng pamayanan na maganda, kabighabighani, kaakit-akit at/o nakapagbibigay-kaalaman. Isa itong namamasid at napagmamasdang katumbas ng nababasang mga napiling artikulo at dahil gayon mas makapaksa. Tinipon ang mga larawan sa supnayang ito upang mapagmasdan mo. Mayroon ding mga napiling larawan sa Wikimedia Commons at mga kategorya ng napiling larawan sa Wikimedia Commons na mailalagay sa mga panoorang pangkompyuter.

Sa ngayon, mayroong mga 135 napiling mga larawan sa Tagalog na Wikipedia. Nilalagyan ng tag o tatak na ganito ang mga larawang napili sa kanilang pahina ng talaksan, pahina ng usapan, at usapang suleras, kasama ang petsa kung kailan ito naganap:

Featured picture star
Ito ay isang Napiling Larawan noon pang Marso 22, 2008, nangangahulugang itinuring ng pamayanang isa ito sa mga pinakamabuting larawan sa Wikipediang Tagalog.

Kung mayroon kang ibig idagdag na larawan para maging napiling larawan, iharap ito sa pahina ng nominasyon. Dapat lamang na nasa dominyong publiko o nasasakop ng malayang lisensiya ang mga larawang nakatala rito. Kapag napili ang larawan, magkakaroon din ito ng isang maliit na bituing tanso (Ipinapahiwatig ng bituing ito ang mga napiling nilalaman ng Wikipedia.) sa pang-itaas na kanang sulok ng pahina ng usapan ng larawan upang - bukod pa sa tatak na nasa itaas - talagang maipapahiwatig na napili nga ang larawan.

Sa ngayon, maaari ring maglagay ang sinumang patnugot ng anumang larawan mula sa Wikipedia Commons (halimbawa na ang Picture of the day). Hindi na ito daraan sa paghaharap sa Tagalog Wikipedia kung ito ay nakapailalim na sa anumang kategorya ng pagiging natatanging larawan sa Commons, ngunit dapat lamang na may katumbas na artikulo ito sa Tagalog Wikipedia. Dapat ring nakapaloob sa artikulo sa Tagalog Wikipedia ang larawang pinili para itangi dito (ipasok lamang kung wala pa sa artikulong kaugnay; kung may sapat nang bilang ng larawan sa artikulo, maaaring hindi na ilagay sa artikulo ang napiling larawan; suriin na lamang kung dapat bang palitan ang (mga) larawan na nasa artikulo ng napiling larawan; sa ganitong kaso, ipalit ang napiling larawan kapag nararapat lamang). Dapat lamang na dumaan sa paghaharap at halalan ang mga larawang tuwirang ikinarga dito sa Tagalog Wikipedia (hindi doon tuwirang ikinarga sa Wikipedia Commons para kuhanin at gamitin sa Tagalog Wikipedia). Kailangan din iharap para pagbotohan ang mga larawan na bagaman galing sa Wikipedia Commons ay hindi naman nabibilang sa mga itinuturing na tampok o natatangi (tulad ng mga nabanggit sa itaas). Bagaman, kailangang iabiso ng isang tagagamit ang isa sa mga tagapangasiwa na idagdag ang kanilang napiling larawan mula sa Commons dahil nakaprotekta ang suleras na paglalagyan sa Unang pahina.

Maaari mong ilagay sa iyong pahina ng tagagamit ang kahon ng napiling larawan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tekstong {{Napiling Larawan}} kung saan mo man ibig palitawin ang larawan.

Paalala: Isinasama sa paglalagay sa unang pahina ang pangalan ng tagagamit na gumawa (orihinal na kumuha o nag-ambag) ng larawan o litrato. Huwag po sana itong kalilimutan. At mangyari pong limitahan lamang ang mga pananalitang naglalarawan ng larawan sa dalawa hanggang tatlong pangungusap.

Pagpapalit: Sa kasalukuyan, lingguhan ang ginagawang pagpapalit ng larawan ngunit maaari rin itong palitan anumang oras, kapag naitanghal na ng lubos ang isang larawan.

Pagsusupnay: Isinusupnay o inilalagay sa ibaba ang mga pangkasalukuyan at kadaraan lamang na mga napiling larawan hanggang sa dapat nang sinupin o iarkibo.

Pagsisinop: Sinisinop o inilalagak sa sinupan (inaarkibo) sa kawing na matatagpuan rin sa ibaba, gawing kanan, ang mga pangkat ayon sa taon ng pagkakapili. Karaniwang ginagawa ito pagkatapos ng taon: tuwing katapusan ng Disyembre bawat taon o mga unang araw ng bagong taon (maaaring maaga depende sa dami ng bilang ng mga napiling larawan).

Napiling nilalaman:

Mga kasangkapan para sa mga napiling artikulo:


Mga nilalaman

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne